JustPaste
HomeCategoriesAboutDonateContactTerms of UsePrivacy Policy
JustPaste

Free online notepad — write and share instantly

Navigate

  • Home
  • Timeline
  • Categories

Info

  • About
  • Donate
  • Contact

Legal

  • Terms of Use
  • Privacy Policy

© 2026 JustPaste.app. All rights reserved.

Made with ♥ by JustPaste

Words Left Unsaid | JustPaste.app
8 days ago11 views
👤Personal

Words Left Unsaid

Hi, hindi ko alam kung paano ko sisimulan to pero gusto ko lang sabihin sayo lahat ng matagal ko nang kinikimkim hindi ko alam kung babasahin mo ba ito hanggang dulo pero sana basahin mo kasi ang dami ko nang gustong sabihin sayo na matagal ko nang hindi masabiminsan naiisip ko pa rin kung paano nagsimula ang lahat sa atin Grade 10 pa lang tayo noon pero hindi ko akalaing darating sa punto na magiging ganito ka kahalaga sa akin ong naging tayo masaya ako kasi nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko hindi man naging perpekto ang relasyon natin masaya ako sa mga panahong magkasama tayo alam mo ikaw ang first love ko at ikaw rin ang unang taong nakaranas kong mahalin nang ganoon nong tayo pa marami pa akong hindi alam pagdating sa relasyon mahiyain ako noon at hindi ko rin alam kung paano ipakita nang maayos ang nararamdaman ko minsan mas madalas ko pang kasama ang mga kaibigan ko kaysa sayo ngayon kapag naiisip ko ang mga panahong yon napapaisip ako kung nabigyan ba kita ng sapat na oras at atensyonkung may mga pagkakataong naramdaman mong napapabayaan kita o kulang ang oras na ibinibigay ko sayo gusto kong humingi ng tawad Pasensya na kung hindi ko naipakita nang maayos kung gaano ka kahalaga sa akin hindi ko man sinasadyang maramdaman mong ganon alam kong hindi sapat na sabihin ko lang na mahal kita kung hindi ko naman iyon naipapakita sa paraang kailangan mo hindi ko sinasabi ito para bigyang-katwiran ang mga pagkukulang ko gusto ko lang aminin na may mga bagay akong sana mas nagawa ko noong tayo pahindi ko alam kung naaalala mo pa ang mga alaala natin gaya ng pag-alala ko sa mga yon hindi ko rin alam kung may mga pagkakataon bang naiisip mo pa ako o ang mga panahong naging tayo pero ako hindi ko maikakaila na hanggang ngayon may mga bagay pa rin akong naaalala tungkol sa atinminsan kahit wala naman akong ginagawang kakaiba, bigla na lang kitang maaalala Maiisip ko kung kumusta ka na kung masaya ka ba at kung ano na ang mga nangyayari sa buhay mo akala ko dati habang tumatagal mawawala rin lahat ng nararamdaman ko akala ko darating din ang araw na hindi na kita mamimiss pero hanggang ngayon may mga pagkakataon pa rin na namimiss kitaNamimiss ko yung ikaw na nakilala ko noong Grade 10 Namimiss ko yung mga panahong naging tayo yung mga alaala natin at yung pakiramdam na minsan naging parte ako ng buhay mo hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat pero ang alam ko lang naging totoo ang naramdaman ko para sayosimula noong naghiwalay tayo alam kong nagbago na ang lahat hindi na tayo tulad ng dati at pareho na tayong may sariling buhay pagkatapos nating maghiwalay nagkaroon ka ng ibang boyfriend alam kong nagpatuloy ang buhay mo at nagkaroon ka ng ibang taong minahal wala naman akong karapatang pigilan ka dahil hiwalay na tayo noon kahit masakit para sa akin alam kong kailangan kong tanggapin iyon pero noong nalaman kong naghiwalay din kayo at gusto mo pa rin siyang balikan hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko hindi ko naman sinasabing mali ka dahil gusto mo pa siyang balikan Naiintindihan ko na may sarili kang nararamdaman at hindi mo basta-basta mapipili kung sino ang gusto mong mahalinpero aaminin ko sayo masakit masakit kasi hanggang ngayon may nararamdaman pa rin ako para sayo sa kabila ng tagal ng panahon may parte pa rin sa akin na umaasa habang ako may nararamdaman pa rin para sayo ikaw naman gusto mong bumalik sa taong minahal mo pagkatapos natinminsan naiisip ko kung may kulang ba sa akin o kung may nagawa ba akong mali kaya hindi na ako ang taong gusto mong makasama pero alam kong hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa kanya hindi ko kailangang maging katulad niya o patunayan na mas mabuti ako kaysa sa kanya para piliin mo ako dahil kahit anong gawin ko kung hindi ako ang taong gusto mo wala rin akong magagawa para pilitin kang piliin akosiguro iyon ang isa sa pinakamahirap tanggapin kahit gaano mo kagusto ang isang tao hindi ibig sabihin na ikaw rin ang gugustuhin niya kahit gaano mo siya katagal hintayin hindi mo alam kung darating ba ang araw na ikaw naman ang pipiliin niyahindi ko hinihiling na kalimutan mo siya para sa akin hindi rin kita gustong pigilan sa gusto mong gawin kung siya talaga ang gusto mong balikan wala akong karapatang makialam sa desisyon mo buhay mo yon at ikaw ang nakakaalam kung ano ang gusto mogusto ko lang maintindihan mo kung bakit ko sinasabi sayo ang lahat ng ito hindi madaling itago ang mga nararamdaman ko lalo na kapag matagal ko na itong kinikimkim hndi ko alam kung alam mo bang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para sayo hindi ko rin alam kung naiisip mo man lang na may isang taong hindi pa rin tuluyang nakakamove on sa nangyari sa atinhindi ko ito sinasabi para kaawaan mo ako o para maramdaman mong kailangan mong suklian ang nararamdaman ko gusto ko lang maging totoo sayo gusto kong malaman mo kung ano talaga ang nararamdaman ko kahit hindi ko alam kung ano ang magiging sagot mokung wala ka nang nararamdaman para sa akin tatanggapin ko naman kahit masakit hindi ko gustong bumalik ka sa akin dahil naaawa ka o dahil ayaw mong masaktan ako kung sakaling magkaroon man ulit tayo ng pagkakataon gusto kong mangyari yon dahil pareho natin itong gusto hindi dahil napilitan ka langminsan naiisip ko rin kung ano kaya ang nangyari kung hindi tayo naghiwalay Magkasama pa kaya tayo ngayon? Masaya pa kaya tayo? o darating din tayo sa puntong ito kahit ano pa ang mangyari? hindi ko alam ang sagot ang dami kong naiisip na sana ganito sana ganon pero tapos na ang nakaraan hindi ko na maibabalik ang mga araw na naging tayo at hindi ko na mababago ang mga nangyari sa atingusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihang nakilala kita hindi ko pinagsisisihang naging tayo kahit hindi naging maganda ang katapusan ng relasyon natin masaya pa rin ako na naging parte ka ng buhay ko Salamat sa mga panahong naging tayo sa mga alaalang nabuo natin at dahil minsan naranasan kong maging parte ng buhay mosa totoo lang hindi ko alam kung kaya ko na bang tuluyan kang kalimutan pagkatapos kong sabihin ang lahat ng ito baka mamiss pa rin kita at may mga araw pa ring maalala kita at maisip kung kumusta ka na hindi ganoon kadaling mawala ang nararamdaman mo para sa isang taong minahal mo nang totoo pero ayoko ring manatili na lang akong naghihintay sayo ayoko nang umasa sa isang bagay na hindi ko alam kung mangyayari pa Kailangan ko ring isipin ang sarili ko at matutong magpatuloy kahit wala ka na sa buhay ko hindi ko sinasabing madali ko itong magagawa pero susubukan ko Susubukan kong tanggapin na tapos na ang relasyon natin at hindi ko kailangang hintayin ka habang buhay para lang masabing naging totoo ang pagmamahal ko sayokung sakaling magkabalikan kayo ng dati mong boyfriend sana maging masaya ka sana maging maayos ang relasyon ninyo at sana mapahalagahan ka niya hindi ko man alam ang buong kuwento ninyo gusto ko pa rin na maging maayos at masaya ang buhay mo at kung hindi man kayo magkabalikan sana mahanap mo pa rin kung ano ang talagang magpapasaya sayopara naman sa akin sana dumating din ang araw na kaya ko nang alalahanin ang lahat nang hindi na nasasaktan gaya ngayon sana dumating ang panahon na kapag naiisip kita kaya ko nang tanggapin na naging parte ka ng buhay ko pero hindi ibig sabihin na kailangan kitang hintayin habambuhayhindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nabasa mo ito hndi ko rin alam kung may isasagot ka ba o kung mananahimik ka na lang pero kahit ano pa ang maging sagot mo, gusto ko lang malaman mong naging totoo ang lahat ng sinabi ko rito hindi ko ito ginawa para baguhin ang nararamdaman mo ginawa ko ito dahil ayoko nang itago pa ang lahat at magkunwaring wala akong nararamdamanhanggang ngayon namimiss pa rin kita Hanggang ngayon may nararamdaman pa rin ako para sayo at kahit mahirap aminin may parte pa rin sa akin na umaasang sana kahit minsan naging ako rin ang taong gusto mong makasama ulitpero alam kong hindi sapat ang pag-asa para maibalik ang isang relasyon Kailangan ding pareho ninyong gusto at hindi ko puwedeng hilingin sayo na piliin mo ako kung iba naman talaga ang gusto ng puso mokaya siguro panahon na rin para subukan kong bumitaw hindi dahil biglang nawala ang nararamdaman ko kundi dahil ayoko nang manatiling nakakapit sa isang bagay na hindi ko kontrolado hindi ko alam kung gaano pa katagal bago ko tuluyang matanggap ang lahat pero susubukan kong magpatuloy hindi ko kailangang kalimutan ka agad o magkunwaring wala kang naging halaga sa akin gusto ko lang matutong mabuhay nang hindi palaging umaasa na baka balang araw ay bumalik kahindi ko alam kung ito na ang huling pagkakataong sasabihin ko sayo ang lahat ng ito pero gusto kong malaman mo na minahal kita nang totoo naging masaya ako noong naging tayo nasaktan ako noong naghiwalay tayo at hanggang ngayon may mga bagay pa rin akong hindi tuluyang nakakalimutanhindi ko pinagsisisihang nakilala kita hindi ko ikinahihiyang aminin na minahal kita at hindi ko itatangging naging mahalaga ka sa akin kahit hindi tayo ang naging katapusan ng kuwento ng isa't isa magiging parte ka pa rin ng mga alaala kosalamat sa lahat sana maging masaya ka sana makamit mo ang mga pangarap mo at sana dumating ang araw na maging masaya na rin ako nang hindi na umaasa na babalik ka pa.Gusto ko rin palang humingi ng sorry sayo sa mga pagkukulang ko noong tayo pa sorry kung sobrang mahiyain ako noon at hindi ko palaging naipapakita sayo kung gaano ka kahalaga sa akin sorry kung may mga pagkakataong parang hindi kita nabibigyan ng sapat na oras dahil madalas akong kasama ng mga kaibigan ko hindi ko alam kung yon ba ang isa sa mga bagay na nakasakit sayo o kung may mga pagkakataong naramdaman mong hindi ka gaanong importante sa akin pero kung naramdaman mo man yon sorry talagaaminado naman ako na mahiyain talaga ako noon may mga bagay na gusto kong gawin o sabihin sayo pero minsan hindi ko magawa dahil nahihiya ako minsan hindi ko rin alam kung paano ko ipapakita ang nararamdaman ko para sayo Hindi naman ibig sabihin na hindi kita mahal o hindi kita gustong makasama siguro hindi ko lang talaga alam noon kung paano ipakita nang maayos ang nararamdaman komadalas din akong kasama ng mga kaibigan ko at ngayon kapag naiisip ko ang mga panahong iyon, napapaisip ako kung may mga pagkakataon bang dapat mas binigyan kita ng oras at atensyon hindi ko sinasabing iyon ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay dahil hindi ko naman alam kung iyon talaga ang naramdaman mo pero gusto kong aminin ang mga pagkukulang ko at humingi ng tawad sa mga pagkakataong baka nasaktan kita nang hindi ko namamalayankung may mga pagkakataong hinintay mo akong magpakita ng effort maglaan ng oras para sayo o sabihin ang mga bagay na gusto mong marinig mula sa akin sorry kung hindi ko nagawa ang mga iyon gaya ng inaasahan mo hindi ko man sinasadyang iparamdam sayo na hindi ka importante naiintindihan kong hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao kung hindi mo rin naipapakita sa kanyasana noon pa lang mas naging matapang ako sa pagpapakita ng nararamdaman ko sana mas naging maayos ako sa pagbibigay ng oras sayo pero hindi ko na maibabalik ang nakaraan at hindi ko na mababago ang mga bagay na hindi ko nagawa noong tayo pahindi ko ito sinasabi para sisihin ang sarili ko sa lahat o para isipin mong dapat tayong magkabalikan dahil nagsisisi ako gusto ko lang humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko at aminin na may mga bagay din akong sana ay nagawa ko nang mas maayos noong naging tayosorry sa lahat ng pagkukulang ko noon hindi man naging perpekto ang naging relasyon natin naging totoo naman ang pagmamahal ko sayo ikaw kasi yung first experience ko sa ganitong bagay ikaw yung unang taong minahal ko nang ganito kaya noong naging tayo marami akong bagay na hindi ko alam kung paano gawin hindi ko alam kung paano ba maging magandang boyfriend o kung paano ko ba maipapakita nang maayos yung nararamdaman ko para sayosobrang mahiyain ko rin kasi noon may mga bagay akong gustong sabihin sayo may mga bagay akong gustong gawin kasama ka pero minsan hindi ko magawa dahil nahihiya ako minsan hindi ko rin alam kung paano ako kikilos o kung paano ko ipapakita sayo na mahalaga ka sa akin hindi dahil hindi kita mahal kundi dahil bago pa lang sa akin yung lahat ng yon marami pa akong hindi alam at marami pa akong kailangang matutunan.

THANK YOU NAGING PART KA NG BUHAY KO INGAT KA PALAGI I PRAY NA MAKAMIT MO LAHAT NG MGA PANGARAP MO AND DON'T FORGET NA ALWAYS THINK POSITIVE ALWAYS MAG PRAY, HANGGANG DITO NALANG, THANKS ULIT🤍😊.

← Back to timeline